JUANstep @ a time...
Get close to GOD first, before getting close to anyone else. GOD without a man is still a GOD but man without GOD is NOTHING.
Sunday, July 8, 2012
Mga qoutes ni BOB ONG.
1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,hindi lahat matibay para sa temptasyon."
2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utakpara alagaan ang sarili mo."
3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."
4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kungwalang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhaymo.. Dapat lumandi ka din."
8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod naaraw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundipagkukusa."
10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rinna di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pagnatuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap nasa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasamaka."
13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin angpuso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mona kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wagmong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundiIKAW mismo!"
14. "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi itomultiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan itohindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhanang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ngkapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magalingmag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sapaglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan enagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
16. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
17. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
18. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay aykasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin aykatotohanan. "
19. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nangnakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayangumiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saanang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
20. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang kapagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mgaaraw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,sarap!)."
21. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung maypagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhoksa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walangnapatunayan at bait sa sarili."
-"Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sa'yo eh... Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya."
-"Walang taong manhid. Hindi lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin."
-"Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya."
-"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka. Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."
-"Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya."
-"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba."
-"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan."
-"Minsan, kailangan mong maging malakas, para amining -mahina ka."
-"Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang...ganyan mag papansin ang ayaw mag first move."
-"Hindi porket madalas mong ka-chat, kausap sa phone, kasama sa mga lakad o katext wantusawa e may gusto sayo at makaka tuluyan mo na... may mga tao lang talaga na sadyang friendly, sweet, flirt o paasa."
-"Kung nakikita mo na ang dahilan mo para sumuko... huwag mo na lang tingnan."
"Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan... kahit na mag-stop over ka pa."
-"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay, sa tamang tao, sa tamang panahon."
-"Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay.."
-"Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sobra."
Bos: "...May lisensya ka ba sa pagmamaneho?"
Diego: "Huh? Lisensya? Bakit?"
Bos: "Because you're driving me crazy!"
Diego: "...Pag kausap kita lagi akong nadadapa!"
Bos: "Huh? Bakit?"
Diego: "Sobrang baba kasi ng IQ mo, natitisod ako!"
Diego: "Sudoku ba ko?"
Bos: "Bakit?"
Diego: "Kasi hirap na hirap ka sakin!" ~Bob Ong
Read more: http://love-text.blogspot.com/2011/12/bob-ong-love-quotes-new.html#ixzz20553jDVJ
Subscribe to:
Posts (Atom)